BBTCR 96: Rest in Peace

337 17 31
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

Napabagsak na lang ang mga sarili namin sa takot ng sunod-sunod na pinutok ni Tyler slash Black Tiger ang baril niya sa taas nimo.

Sobrang nakakabagsak naman talaga ng energy lalo na't nakagapos kami dito at hindi kami makalapaban sa bwisit na 'to.

"HAHAHAHA.... Natakot ba kayo?" Natatawang tanong nito habang inikot-ikot pa ang dalawang baril sa amin.

"Ty, please... Ano pa ba ang gusto mo?" Tanong ni Kuya Axel nito.

"Isa lang ang gusto ko.... HUSTISYA! Hustisya para sa mga kapatid ko! Hustisya kung paano niyo ako trinaydor! Hustisya kung paano niyo ako binaliw! Hustisya kung paano niyo ako pinatay sa sakit!" Sambit nito.

"Ha? Baliw ka ba? Anong pinagsasabi mo diyan? Saan mo naman napulot ang hustisya na 'yan? Kami nga ang kailangan ng hustisya e sa pinaggagawa mo ngayon!" Sambit ko nito.

"SHUT UP!" Sigaw nito sa akin. "Hindi ikaw ang kinakausap ko! Kaya tumahimik ka!" Sambit nito sa akin.

Ewan ko ba, baliw na talaga ang lalaking 'to! Matapang lang siya ngayon dahil may hawak siyang baril at nakagapos kami.

"Tyler... Please.... Tama na please... Tumigil ka na..." Pagmamakaawa ni Proffesor Kim sa amin.

"Titigil lang ako Kim kapag mababayaran niyo na ako! Titigil lang ako kung makukuha ko na ang hustisya na hiningi ko!" Sambit nito.

"Ty! Tumigil ka na nga!" Inis na sambit ni Kuya Storm.

"Bobo mo talaga no?! Sabi ko titigil lang ako kapag makuha ko na ang hustisya para sa kapatid ko at sa akin!" Sambit nito na galit na galit gustong manakit. "At makukuha ko lang ang hustisya kapag mapapatay ko kayong lahat!" Sambit nito st tumawa pa ito.

"Ty... Tama na nga! Hindi ka mamamatay tayo, hindi tayo mamamatay diba? Ang TASK Force ay hindi mamamatay tao." Sambit ni Kuya Axel nito.

"ASK Force, hindi na ako belong sa grupo niyo! ASK Force lang hindi na TASK Force!" Sambit nito.

"Ty, kaibigan ka pa rin namin. Hindi ka nawala sa isipan namin, hindi ka namin trinaydor, hindi ka namin tinuring na iba, kapatid ka namin, mag-buddy tayo. Hinintay ka namin dito." Sambit ulit ni Kuya Axel nito.

"Hahahaha... Talaga bang kaibigan niyo ako? Talaga bang hinintay niyo akong bumalik dito?" Tanong nito na natatawa pa.

"Oo, hinintay ka namin dito." Sambit ni Proffesor Kim.

"Alam niyo ba kung bakit ako umalis at nagpunta sa ibang bansa?" Tanong ni Tyler ulit.

"Oo, nagpaalam ka sa amin at nagpunta sa ibang bansa para tapusin ang kurso mong achitecture." Sagot ni Kuya Storm.

"Mali! Hindi naman 'yon ang tunay na rason kung bakit ako nagpunta doon e. Nagpunta ako sa ibang bansa para makamove-on sa pinaggagawa niyo! Pero alam mo bang habang nandoon ako, mas naiisip ko na traydor talaga kayong tatlo dahil wala man lang kayong chat o mga message kung kumusta na ako! Wala akong natanggap na kumusta, parang sobrang saya niyo siguro dito na wala ako! Sobrang saya kayo na nakuha niyo ang lahat na gusto ko! Pagiging valedictorian, pagiging SSG President at pati si Jewel!" Sambit na naman nito.

"Tyler! Ano bang pinagsasabi mo?! Anong kinuha ka diyan, walang kinuha sina Axel sayo! Walang atraso sila sayo!" Inis na sambit ni Ate Jewel.

"Hindi pa ba atraso ang pinagsasabi ko Jewel?! Inagaw ni Kim ang pagiging valedictorian ko, inagaw ni Storm ang pagiging SSG President ko, inagaw ka ni Axel sa akin!" Sambit nito.

Battle between the Campus RoyaltiesDär berättelser lever. Upptäck nu