BBTCR 53: Munchy

475 18 15
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Hindi kami nakapagconcentrate sa pagprapractice ng banda dahil sa mga boys na 'yon na may kasamang babae. Nakakabwisit nga e, grabe makalingkis sa mga boyfriend namin. Hays.

Okay lang sana kung pangit siya, pero maganda kasi siya e baka mamaya--- basta nevermind na lang, ayaw ko ng pag-usapan ang babaeng 'yon.

Pero kumukulo kasi ang dugo ko e, kumukulo ang dugo sa babaeng 'yon. Ito naman si Kyler mukhang naenjoy pa ang kalandian niya, sobrang laki kasi ang ngiti ng lalaking yon e. Sobrang laki promise! Bwisit siya!

Maya-maya pa pinarada ni Nicole ang kotse sa tapat ng bahay namin. Oo! Nandito na kami uwian na kasi e, 5PM na kasi kaya pinauwi na kami ni Teacher Amanda pero bago kami nakauwi kanina tinalakan pa kami dahil daw na didistract kami.

Bumaba na kaming lahat para buksan na rin ang gate at ipasok ni Nicole ang kotse namin.

*BEEEEEEPPPPP*

Napalingon kami sa kotse na yon na kararating lang din at alam ko na ang mga boys ito gamit ang kotse ni Ethan.

Awtomatiko namang tumaas ang mga kilay namin at nakacross-arm pa silang tiningnan.

Maya-maya pa isa-isa silang lumabas sa kotse nila. Nauna na diyan si Kyler na pangiti-ngiti pa ito.

"Babe." Sambit nito na akmang lalapit sa akin.

"Subukan mo lang talagang lumapit kundi basag 'yang mukha mo, nangigigil ako sayo e." Inis na sambit ko nito.

Nagpahinto naman siya na parang natatakot pa si loko. Maya-maya pa sinundan ito nina Drake at Miko na ngumiti rin ito ngunit agad naman itong binawi dahil sa reaksyon namin na galit ito.

"Bakit ganyan ang reaksyon niyo?" Tanong ni Drake.

"Wala kang pakialam!" Pabagsak na sagot ni Mira.

"Hays, galit kayo? Bakit nastress ba kayo sa pag-iinsayo niyo para sa Music Band Festival?" Tanong ni Miko sa amin.

"Mas stress kami sa inyo, lalo na sayo Miguel Kobi." Sambit ko nito.

"Baby naman, sorry na." Sambit ni Miko na nagpout pa ito na ikinairap ni Maggie.

Pero feeling ko naman kinikilig itong si Maggie kay Kobi e, ewan ko ba kung may label ba ang pagtawag nila sa isa't-isa ng baby or wala.

"Si Steven?" Tanong ni Nicole sa tatlong ito.

"I'm here Nikki." Sagot ni Steven ng makalabas ito.

Maya-maya pa sumunod naman si Ethan at shyteee....

"WAAAAAHHHHHHH! Madrigal Sisters!" Sigaw ng babaeng ito sa amin ng makababa sa kotse nila.

Awtomatiko naman napataas ang kilay namin sa kanya, mukhang avid fan lang namin na makasigaw si loka.

"Bakit niyo siya sinama?!" Taas kilay na tanong ko.

Nagkatinginan naman ang mga boys bago nagsalita si Kyler. "Gusto kayong makilala e."

Napairap naman kami sa sagot na 'yon.

"Pasok na ako sa loob magluluto pa ako." Sambit ni Eunice st tumalikod ito.

"Baby ko." Agad naman itong sinundan ni Ethan papasok ng bahay.

Nagkatinginan naman kaming lahat dito at nagsalita ako.

"Ano ba talaga ang pinunta mo dito?" Kalmadong tanong ko sa babaeng ito.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now