BBTCR 57: Sulat

341 19 19
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

"Babe, buti na lang nakarga kayo sa 10 finalists sa Music Band Fest 'no." Sambit nito sa akin habang hawak ang libro sa isa niyang kamay at ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa bewang ko.

Napairap na lang ako sa sinabi niya dahil nga kami ang pinakamababa na grades na nakapasok sa 10 finalist. Samantalang sila ang pinakamataas na grades, mukhang tama nga naman sina Amanda, Mirriam at Munchy e na parang sinabotahe ang nangyari.

"Anong iniisip mo Babe? Iniisip niyo ba na may ginawa kami kung bakit kami ang nakakuha ng malaking marka at kayo ang pinakamababa?" Tanong nito sa akin na ikinatingin ko sa kanya.

Tiningala ko pa siya para makita ang mukha niya na nakangiti ito. "Medyo." Sagot ko nito.

"Hays, wala kaming ginawang masama Babe, hindi nga namin pinatulan ang babaeng judge na 'yon na crush kami. Hiningi pa niya ang mga social media accounts namin pero hindi namin binigay dahil loyal kami sa inyo at mahal namin kayo." Sambit nito na ikinakunot ng noo ko sa inamin niya.

So lumabas ngayon na kaya sobrang taas ng marka nila dahil crush sila ng isang judge. Mukhang may favoritism nga talaga ang mga judges na 'yon.

"Syaka usisera pa ang babaeng 'yon, tinanong pa kung sino ang mga girlfriend namin." Sambit na naman nito.

"Ano naman ang sinagot niyo?" Tanong ko nito.

"Sabi namin na girlfriends namin kayo. Girlfriend namin ang The Madrigal Sisters." Sagot nito.

Now! Gets ko na, alam ko na kung bakit ganon na lang kababa ang grades namin dahil sa tanong na 'yon. Yong judge na babae na 'yon ay mukhang may manipulation na nangyari e. Mukhang dinaya kami sa first round.

Hays, dibale na babawi na lang kami sa next round. Babawian namin sila ng buhay. Nakakagigil rin ang pagiging favoritism ng judge sa audition na 'yon e.

"Wag mo naman isipin na inakit namin ang judges ha, kaya nasa top spot kami na nga finalist." Sambit nito sa akin.

Irap lang ang ibinigay ko sa kanya at hindi na nagsasalita habang papunta kami sa classroom namin.

☆☆☆

Nang makarating kami sa classroom agad naman kaming binati ng mga kaklase ko na 'Congratulations' dahil nga nakapasok kami for the finalist ng Music Band Fest kaya nagpapasalamat na lang din kami sa kanila.

Nagtungo kami sa upuan namin at tumabi pa sa akin si Kyler at umupo sa upuan ni Miko.

"Hoy si Miko d'yan." Sambit ko nito.

"Wala pa naman siya e, kaya dito muna ako." Sagot niya sa akin na ngumiti pa.

"Bahala ka." Sambit ko nito at hinukaykay ang libro ko para maglibro.

"Babe, kailan tayo nagpapakasal?" Biglang tanong ng lalaking ito na ikinalaki ng mata ko.

"Hoy! Aral muna na nga bago kasal." Sagot ko nito.

"Hays, nakakasawa na kasi ang mag-aral gusto ko ng mag-asawa." Sambit nito sa akin na ikinairap ko.

"Babe, aral muna kasi bago kasal. Sige ka hindi ka makakafuture sa kagaganyan mo." Sambit ko nito.

"Babe, may future na nga ako at ikaw lang 'yon." Sambit nito na ikinairap ko ulit.

"Bahala ka diyan Babe, nagrereview muna ako." Sambit ko at tinuon ang paningin ko sa libro ko.

Battle between the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon