BBTCR 83: Banta

419 24 23
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

Break time na namin ngayo, kaya ito na naman kami nagkikita sa foodcourt upang kumain at ipahinga ang brain namin dahil sa examination namin. Medyo sabog na ang utak namin sa mga test questionnaire na binabasa at sana naman maging okay ang resulta namin.

Wala kaming kagana-gana na umorder dito sa foodcourt na ito, medyo sabog pa rin kami e. Nilibot ko ang paningin ko sa mga kaibigan ko dito na sobrang pagod pa ang mga utak nito, puro lutang pa ito.

"Nakakapagod!" Sambit bigla ni Mirriam at sinandal pa ang ulo nito sa table.

"Kung pagod ka edi magpahinga ka na, 'yong tipong hindi ka na gagalaw kahit kailan." Hirit naman ni Dylan.

"Hoy! Kung gusto mo mauna ka!" Inis ma sambit naman ni Mirriam.

Ito na naman sila, nagbabangayan na naman ang mga 'to.

"Ayaw ko nga! Ikaw ang mauna para susundan kita." Sambit na naman ni Dylan.

"Sana all susundan." Sambit naman ni Amanda.

"Edi, makiusap ka rin sa ex mo na sundan ka niya." Sambit na naman ni Dylan.

"No way! Wala ng silbi ang mga ex na 'yan." Sambit ni Amanda.

"Grabe ka naman, Mandy." Sambit ni Hunter.

"Anong grabe don? Totoo naman e. Walang silbi ang mga ex dahil pasakit sa ulo lang ang alam nila at saka saktan ang puso mo." Sambit ni Amanda na pinaparinggan na naman niya si Hunter.

"Mandy, kung sabihin ko ba sayo na nagbago na ako at seryoso na ako ay bibigyan mo ako ng chance?"

"Alam mo Hunter, binigyan na kita ng chance dati diba. Tapso binigyan na ulit kita ng chance na mapaliwanag ang side mo, pero feeling ko okay na naman tayo e." Sambit ni Amanda.

"Oo nga, okay na naman tayo e. Bakit kailangan mo pangsabihin na pasakit ang ulo ang ex?" Tanong ni Hunter kay Amanda.

"Bakit? Affected ka ba?" Tanong ni Amanda.

"Syempre! Ako lang naman ang pinariringgan mo e dahil ako lang ang nagiging ex mo. Ako pa lang ang nagiging boyfriend mo." Sambit ni Hunter.

"Buti alam mo!" Pairap na sambit ni Amanda.

"Feeling ko hindi pa rin kayo nakamove-on sa isa't-isa." Sambit bigla ni Munchy sa dalawa.

Awtomatiko naman napakunot ang noo ni Amanda sa sinabi ni Munchy.

"Feeling ko rin." Sang-ayon naman ni Ken sa sinabi ni Munchy.

"Ako nga rin e, feeling ko mutual na kayong dalawa!" Inis na sambit ni Amanda kina Munchy at Ken.

"No way! Hindi ko siya gusto!" Sambit agad ni Munchy.

"Lalo na ako hindi kita gusto!" Sambit naman ni Ken.

Nag-iirapan naman ang dalawa dahil sa kanilang pinagsasabi nito.

"Alam niyo kayong anim, kailan kaya kayo magkakasundo?" Tanong ni Ethan sa kanila.

Hindi nakasagot silang anim na parang napakunot pa ang mga noo nito sa sinabi ni Ethan.

"Hindi pwede!" Sabay-sabay nilang sambit.

"Bakit naman hindi pwede? Mas maganda nga 'yong magkakasundo kaysa na magkaaway kayo diba." Sambit naman ni Kyler.

"Hindi pwede!" Sambit na naman nila.

Battle between the Campus RoyaltiesWhere stories live. Discover now