Chapter 31

206 4 0
                                    

Yaz feel be like

Pagkatapos ng duty ko sa dental area,
Ay dumidiretso ako sa area n'ya,
Sa lahat ng gawain parati na kaming sabay,
Sabi ng ilang nurse area nila ay umingay.

Dati raw ay pinadadaan nila kay Keziah,
Ang mga gusto nilang itanong sa kanya,
Ngayon si Maxwell nagagawa na nilang batiin,
At tuwing babaling daw ay nakangiti na rin.

Kausap ko pa sila nang tawagin n'ya ko,
May pagkain daw s'ya binili sabi n'ya rito,
Bago ko tumalikod ay kumindat ako sa kanila,
At ako ay kanyang hinila papunta sa pantry area.

Biniro ko s'ya na mas naging guwapo na s'ya,
Ang manlibre ay first time raw n'ya,
Nandoon na naghihintay kanyang mga residente,
Hinintay kami kasi nakakahiya mauna sila dahil libre.

Sabi ni Doc Harvey bagay ko raw ang scrubs nila rito,
Bakit daw hindi pa ko iassign ni Maxwell dito,
Ako naman agad na tinanong n'ya,
Noon pa alam n'ya ang sagot ko sa kanya.

Malay daw ba n'ya, kung s'ya ang gusto ko,
Kesa sa OR, Agad naman ang dumipensa ako,
Namumula na ko sa sobrang hiya,
Umapela ko na pangalawa lang s'ya.

Gusto ko raw ang OR dahil sa kanya,
Talagang pinagpipilitan pa n'ya,
Mukhang natutuwa pa s'yang magkuwento,
Kaya naman napabisaya na ako.

'Di na n'ya naintindihan, nag i love you na lang s'ya,
Sabi ko gusto ko dito, mag i love you muna ko sabi n'ya,
Sumingit ang mga kasama namin doon,
Nagugutom na raw,mabilis s'yang sumagot sa mga 'yon.

Nakangiti ko silang pinapanood kumain,
Tumabi s'ya sa akin at sa iba raw ako tumitingin,
Natutuwa ako sa closeness nila,
Ang sagot ko naman sa kanya.

Hindi ko inaasahan na ako ay kanyang susubuan,
Pagkatapos ay ibinigay sa akin, kaya s'ya rin ay aking sinubuan,
Mamaya si Doc Harvey ay nagsimulang magbiro,
Sarap daw magkaroon ng girlfriend sabi pa nito.

Sabi ko sa kanya, mga nurse ang may gusto sa akin,
At talagang hindi s'ya nagpapatalo  sa 'kin,
Marami rin  daw nurse may gusto sa kanya,
Tinanong ko naman, sino pinakagusto n'ya?

Iyong patay na patay daw sa kanya,
Ilong ko ay pinindot pa n'ya,
Tapos na kaming kumain,
Surgeon doktor dumating na rin.

Ako ay nagpakilala sa kanya,
Panay ang hanap n'ya kay Keziah,
Sa loob ng OR ito ay istikto,
Sa akin nagpaparinig pansin ko.

Bago umalis si Doc Bentley nagkape muna  s'ya,
Bago s'ya lumabas kamay ko ay hinalikan n'ya,
Kaya si Maxwell nagalit at s'ya ay binato,
Pinaghuhugas agad ako ng kamay, binantayan pa ko.

Umuwi kami ang daming nakahandang pagkain,
Aalis na pala sila sabi ni Maxpein,
Binilin sa akin ang mga kapatid n'ya,
At nangako naman ako sa kanya.

Bago kami umakyat may napansin ako,
Ang lalaking iyon ay naalala ko,
Hindi ko maintindihan,
Bigla na lamang akong kinabahan.

Si Maxwell pinauna kong maligo,
Ngayon ay may period ako,
Halata sa kanya ang pagkadismaya,
Panay score n'ya sabi ko sa kanya.

Hindi pa kami gaanong nakakatulog,
May isang lalaki kami ay binulabog,
Nakaramdam ako ng takot sa kanya,
Kami pala ni Maxwell ay pinapanood n'ya.

Natatakot, kinakabahan na ako,
Hindi ko makita ang cellphone ko,
Silang dalawa ni Maxwell ay naglaban,
Takot ko ay mas lalong nadagdagan.



Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon