KAPAG ALAM KO NA

1.4K 28 0
                                    

Maxwell feel be like

Isipin ko pa lang na ako ay kamumuhian n'ya,
Tila hindi ko talaga makakaya,
Lalo na kapag sa akin ay lumayo na s'ya,
Totoong nararamdaman ay 'di ko pa maamin sa kanya.

Basta alam ko ay masaya ako,
Kapag s'ya ang kasama ko,
Naiinis kapag may iba s'yang inaasikaso,
Hinihiling ko sana na 'di magbago laman ng kanyang puso.

Sabihin na nila na ako ay makasarili,
Batid sa kanya ay maraming pagkakamali,
Damdamin para sa kanya ay hindi ko pa malinaw na masabi,
Sana kapag alam ko na ay nandito pa s'ya sa aking tabi.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now