LWL

391 4 0
                                    

Sa pagtatapos ng HIH sa kanyang karakter ay nangulila,
Hindi batid sarili n'yang kuwento ay magsisimula,
Kuwento nasa akin ay nagpabigla,
Ginanahan muli magsulat ng ilang tula.

Tatlong karakter na aking nakilala,
Humanga sa mga katangian nila,
Ibang kilig ang kanilang dala-dala,
Ang bidang lalaki sino kaya sa kanila?

Love Without Limits pamagat ng kuwento,
Handog ng manunulat na isa aking paborito,
Isinulat n'ya noong Marso ika-labing pito,
Tatlong taon simula nang magsimula ito.

Love Without Limits isang kuwento,
Ng isang dalaga na kung magmahal ay husto,
Kahit nasasaktan hindi pa rin hihinto,
Umaasa na bandang huli may katugon ito.



Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now