MINSAN

854 15 0
                                    

Maxrill feel be like

Napangiti ako nang makita ka,
Sa mukha mo bakas ang pagtataka,
Dahil tinawag lang kita sa pangalan,
Pagyakap mo sa 'kin ay 'di ko napaghandaan.

Hanggang ngayon s'ya pa rin talaga,
Kita sa mga mata mo ang paghanga,
Kahit na hindi ka n'ya pinapansin,
Ang gusto mo ay s'ya pa rin.

Mga binibitawan kong salita ay totoo,
Akala mo yata, ako ay nagbibiro,
Nagulat ka nga na ako'y binata na,
Lalo na nang 'di kita tinawag na noona.

Palibhasa, s'ya lang ang iyong napapansin,
Ako bihira mo lang kung lingunin,
Minsan kailangan ko pang sumigaw,
Upang atensyon mo ay maagaw.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now