AKO MUNA

124 1 0
                                    

Yaz feel be like

Nagkamali na naman ba ko ng desisyon,
Kaya nandito na naman ako sa ganitong sitwasyon,
Halo-halo na ang aking emosyon,
Gulung gulo na isip ko ngayon.

Noon pa naman ganito na aking ugali,
Kaya siguro sa tabi ko walang manatili,
Wala yatang nagawang tama, parating mali,
Kaya heto ako nasasaktan muli.

Magsisimula na naman ako manghina,
Sa lahat ng bagay mawawalan ng gana,
Siguro panahon na para sabihin kong "tama na",
Kailangan ko na sabihin sa sarili na "ako muna".

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon