PARA SAAN

518 8 0
                                    

Yaz feel be like

Para saan ang kanyang yakap at halik,
Ano ang mga iyon ako lamang ay pinasabik?
Nadarama ko pala sa kanya walang linaw na pabalik.

Hindi ko alam kung sa sarili ko ay matatawa,
O sa sarili ko ba ay maaawa,
Namalayan ko na lang pagod na ko at nagsasawa.

Napapagod na kong ngumiti,
Ngumiti na ang kahulugan ay pighati,
Bakit laging ganito na lang nangyayari parati?

Umaasa ako na magkapareho kami ng inaakala,
Ang intindi namin sa aming sitwasyon ay magkaiba pala,
Nagtatanong ako, dahil sa tunay na sagot ay ayoko manghula.

Para saan ang kanyang matatamis na salita,
Para saan ang kanyang ipinapakita,
Para saan ang alinlangan sa kanyang mga mata.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now