Chapter 1

7.4K 83 0
                                    

Yaz feel be like

Ang aga-aga ang ingay Naih,
Akala ko kung ano nangyayari sa kanya,
Bumalik na sila ang sabi n'ya,
Mabilis akong kumilos para makita s'ya.

Nakita ko si Maxpein,
Nilapitan ko kinamusta na rin,
Anak nila ay nagawa kong tanungin,
Na kay Deib ang sagot n'ya sa akin.

Nakita ko sila sa may pool area,
Lumalangoy silang magkuya,
Ganoon pa rin suplado pa rin s'ya,
Samantalang kay Maxrill naninibago ko sa kanya.

Pagkatapos namin kumain,
Nagawa n'ya kong kausapin,
Hindi pa rin daw s'ya naniniwala sa akin,
Hindi pa rin s'ya nagbabago masungit pa rin.

Makalipas ang ilang araw sa ospital pagpasok ko,
Akala ko namamalik-mata lang ako,
Talagang s'ya ay nandito,
At si Keziah yumakap pa rito.

Kinausap ko na lang aking kaibigan,
'Di ko alam na s'ya'y nasa akin ng likuran,
Sa sinabi n'ya, ako'y natulala at naguluhan,
"Keep breathing then", sabi n'ya bago ko tinalikuran.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now