HINDI NA S'YA

5.1K 60 0
                                    

Yaz feel be like

Tatlong buwan lang kami nagkalayo,
Hindi na s'ya ang dating binatilyo,
Ngayon ay binatang-binata na s'ya,
Hindi na s'ya nalalayo sa kuya n'ya.

Nakatuon kasi ang atensyon ko sa isang tao,
Kaya naman hindi ko napansin ang kanyang pagbabago,
Hindi na s'ya ang dating masunurin na bata,
Ibang-iba na rin ang mga binibitawan n'yang salita.

Kapag nakakausap s'ya ay napapamaang ako,
Hindi na s'ya ang Maxrill na nakilala ko,
Ang sinasabi n'ya pilit kong binabalewala,
Mga ipinapakita n'ya ay akin ding kinakaila.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now