AYOKO

1.1K 29 0
                                    

Maxwell feel be like

Ayoko ipahalata,
Na ako ay naiirita,
Kapag kasama mo s'ya,
'Di mo kasi alam na gusto ka n'ya.

'Di maamin na nagseselos,
Sa pagdedesisyon ayokong magpadalos-dalos,
Anong meron tayo ayoko ring matapos,
Dahil kung wala ka hininga ko tila kapos.

Ikaw ang nagbibigay hangin sa aking buhay,
Walang pagdadalawang isip mga nais ko ay iyong ibinibigay,
Damdamin mo para sa akin ay sadyang tunay
Sana malinaw kong sagot iyo pang mahintay.


Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon