LWL

209 3 0
                                    

LWL update feels be like

Hindi magawang magbasa ng iba,
Nag-iisip sa susunod na mangyayari ay nangangamba,
Nasasaktan, nangingibabaw ang kaba,
Ikaw na Maxinejiji dulot mo sa amin ay kakaiba.

Hindi mawari kanino papanig,
Hindi madali ang umibig,
Lalo na isip at puso magkaiba ang tinitinig,
Sa inis at pangamba mata'y nanunubig.

Bawat pangungusap ay damang-dama,
Isip at puso ay hindi iisa ang tinutugma,
Isang pagkakamali nalimutan nagawa n'yang tama,
Bakit ang nangyayari ay biglang 'di nakikisama?

Iba-iba ang kahulugan ng pag-ibig,
Asahan 'di laging masaya at halos kilig,
Mahalaga ang pang-unawa at pakikinig,
Pakinggan ang isip at puso, ano mas nananaig.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now