Chapter 14

779 6 1
                                    

Yaz feel be like

Natagalan ko ang 'di s'ya hanapin,
Na hindi muna s'ya kausapin,
Kahit na miss ko na s'yang yakapin.

Gusto ko palakpakan ang sarili ko,
Pero umaasa at hindi pa rin sumusuko,
Iniisip kung inaalala n'ya ba ako?

Naglasing ako at Montrell lumapit sa akin,
Ano naman kaya gusto nito sa 'kin?
Naiinis ako ayoko s'yang kausapin.

Akala n'ya may malalaman s'ya,
Ano ba itong pinagsasabi n'ya?
Tumayo ako lumalayo na sa kanya.

Hinawakan n'ya ko sa braso,
Naiinis ako, at pasigaw na sana ako,
Dumating si Maxwell at hinila na ko.

Inihatid n'ya ko sa tinutuluyan ko,
At pinagluto pa n'ya ako,
Nawala bigla na ang aking hilo.

Masarap ang mga niluto n'ya,
Humanga na naman ako sa kanya,
Halata pagod na pagod s'ya.

Nag-usap kami at s'ya ay umamin,
Pareho kami ng nilalaman ng damdamin,
Ako ay mahal n'ya rin.

Dahil sa mga inamin n'ya,
Ako bigla na lamang nakonsensya,
Pakiramdam ko ay 'di ako nararapat sa kanya.

Natulog kami ng magkatabi,
Parehong may ngiti sa labi,
Nararamdaman nagawa na rin masabi.

Hinanap ko s'ya may papipirmahan ako sa kanya,
May meeting s'ya kasama mga doktor at nandoon si Keziah,
Tinanong s'ya kung sila, at sinabi n'ya may girlfriend s'ya?

Paglingon ko sa kanya nakaturo s'ya sa akin,
Katulad ko lahat ng nandon ay gulat din,
Inamin n'ya kung ano estado namin.

Hindi ako makapaniwala,
Inamin n'ya talaga sa kanila,
Sila katulad ko ay napatulala.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now