LWL (YAZ, MAXWELL, MAXRILL)

249 4 0
                                    

LWL

Tatlong karakter,
Na tumatak din sa He's into Her,
Tatlong karakter na bumihag sa akin,
Bukod sa nag-iisang Maxpein.

Isang istorya na nagsimula,
Na umiikot sa karakter nila,
Istorya ng pagmamahal,
Na 'di batid kung magtatagal.

Wala talagang taong perpekto,
Kahit sabihin na marami sa 'yong nagkakagusto,
Kahit na sa 'yo na ang hinihiling ng  lahat,
Mamalayan mo na lang 'di pa rin pala sasapat.

Minsan dapat na rin makiramdam,
Ipakita na ikaw ay may pakialam,
Hindi rin minsan mabisa ang salita,
Kung 'di ramdam at nakikita.

ZAIMIN YAZ

Zaimin Yaz nagpunta sa Laguna,
Ang pagiging maarte ay hindi alintana,
Iba pala kapag tinamaan muli ni Kupido,
Lahat gagawin ibibigay ng todo-todo.

Natupad ang kanyang hiling,
Subalit bihira naman kung makapiling,
Sitwasyon na mahirap maintindihan,
Malapit na nga ba tuluyang matauhan.

MAXWELL LAURENT

Maxwell Laurent lalaking mahal ang propesyon,
Lalaking bihira makitaan ng emosyon,
Natagpuan nga ba ang tunay na inspirasyon,
O ito pala ay kanyang distrakyon.

Sinabi ang kanyang nadarama,
Pero ito bihira makasama,
Bagay na ginagawa n'ya dapat,
Kapatid ang gumagawa lahat.

MAXRILL WON

Maxrill Won isang binatilyo na lihim humanga,
Ngayon ipinapakita ang kanyang pagpapahalaga,
Simpleng bagay na ginagawa n'ya,
Masasabi mo masuwerte ka sa kanya.

Mabilis kumilos para sa babaeng iginagalang,
Pinupunan ang kapatid na tila nagkukulang,
Isang binata na may oras at maaalahanin,
Lalaking kahit kapahamakan para sa kanya ay susuungin.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon