AKALA KO

1.1K 24 0
                                    

Maxrill feel be like

Akala ko, aking maililihim,
Ngunit nadarama ko mas lumalim,
Kaya naisipan ko nang aminin,
Ang nilalaman ng aking damdamin.

Tila s'ya'y patuloy na nagmamaang-maangan,
Hindi ko alam, kung s'ya ba'y nagbubulag-bulagan,
Mga sinasabi ko ay hindi n'ya sineseryoso,
Nagdudulot ito ng sakit sa aking puso.

Sana buksan n'ya ang kanyang pinto,
Dahil ako ay laging narito,
Nag-aabang na lapitan n'ya,
At handang yakapin s'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now