DAHIL SIGURO

750 14 0
                                    

Yaz feel be like

Dahil siguro mahal na mahal kita,
Kaya natitiis pa ang masasakit na salita,
Tinatanggap ang mga ito ng pikit mata,
Kahit sobrang sakit na ng ibang nakikita.

Natatagalan ko pa ang paghihintay,
Dahil nadarama ko sa 'yo ay tunay,
Madalas mang nalulumbay,
Kapag ika'y matagal na nawawalay.

Dahil siguro mahal na mahal kita,
Kahit madalas na lumuha aking mga mata,
Dahil sa 'yo aking sinta,
Maghihintay pa rin hanggang iyong makita.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon