IKAW PA RIN

1.2K 24 0
                                    

Yaz feel be like

Kailangan pa ba ko lumayo,
Para malaman mo na may halaga ko sa 'yo,
Ikaw nga ba itong lihim na sumusuyo?

Pinagmamasdan ko ang bulaklak na 'to,
Sa 'yo nga ba nanggaling mga ito,
Sa pag-iisip kusa na kong huminto.

Matagal na buhat nang huli akong nakatanggap,
Ng ganitong bulaklak na nasa aking harap,
Matagal na rin nang 'di tayo nag-usap.

Malinaw sa akin na hindi mo ko gusto,
Kaya nga umuwi na lang ako rito,
Subalit napapaisip ako dahil sa padalang ito.

Sa bawat paglipas ng mga araw,
Nangangarap na muli kang matatanaw,
Puso ko ikaw pa rin ang isinisigaw.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon