HANGGANG KELAN TATAGAL

851 19 0
                                    

Yaz feel be like

Bakit kasi hindi pa n'ya linawin,
Ano pa ba ang dapat kong gawin?
Para sana malaman ko,
Kung dapat na ba ko huminto.

Sana sabihin na n'ya,
Kung may pag-asa pa sa kanya,
Bakit sinasabi n'ya ay paligoy-ligoy?
Kaya heto ako nalilito na tuloy.

'Di ko alam kung nagseselos s'ya,
Bakit sa akin ang higpit n'ya?
Sa ugali n'ya, ako'y naguguluhan,
Minsan hindi ko na maintindihan.

Hanggang kelan tatagal aking pasensya?
Sa sitwasyon namin, totoo ba na ako'y masaya,
Sa isip ko 'di hihinto ang mga katanungan,
Hangga't hindi nito nakukuha ang sagot na kinakailangan.

Hanggang kelan tatagal,
Ang aking pagmamahal,
Baka sukuan ko na rin s'ya,
Kapag nainip na ko sa sagot n'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon