'DI KO MAIWASAN

804 18 0
                                    

Yaz feel be like

Nangangamba sa iisipin nila,
Batid na may sasabihin sila,
Dahil ako raw ay gusto n'ya,
Samantalang malaki agwat ko sa kanya.

Marami na rin ang nakakapansin,
Kung maari lang ayokong isipin,
Damdamin n'ya ay ayokong tanggapin,
Pero s'ya ay hindi ko rin kayang tiisin.

Sana ay binibiro n'ya lang ako,
Dahil ayoko na s'ya'y masaktan ko,
Sana nga panaginip lang ito,
Mga ipinaramdam n'ya sana ay 'di totoo.

Walang masama sa paghanga,
Kaso hindi maiwasan ang mapanghusga,
Alam naman n'ya na may gusto kong iba,
Sa samahan namin 'di ko maiwasan ang mangamba.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now