ALIN

870 18 0
                                    

Yaz feel be like

Hindi naman ito ilusyon,
Dahil nakikita kita ngayon,
Narito ka pa sa aking tabi,
'Di mapigilan mapangiti ng aking labi.

Sana palagi kang ganito,
Ang oras ngayon ay gusto kong ihinto,
Pero 'di ko maiwasan magkaroon ng agam-agam,
Dahil kung minsan wala kang paramdam.

Alin sa mga sinasabi mo ang totoo,
Alin sa mga ito ang dapat paniwalaan ko?
Kailangan ko ba makaramdam ng kaba,
Lalo na ang inaasta mo ay paiba-iba.

Mga sinabi mo ay aking hinayaan,
Mga kilos mo ay aking pinagkakatiwalaan,
Dalangin ko sana ay ipinapakita mo ay totoo,
At hindi mo 'to ginagawa para paasahin lang ako.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon