DAHIL AKO

803 21 0
                                    

Maxrill feel be like

Nagdalawang-isip kung aaminin,
Itong itinatagong damdamin,
Pero sa huli nagawang sambitin.

Subalit hindi mo naman sineryoso,
Itong sinasabi ng aking puso,
Tingin mo sa akin ay bunso.

Sa paningin mo s'ya pa rin talaga,
Kahit na nagmumukha ka ng tanga,
Ramdam ko s'ya'y mahal mo nga.

Tinitiis pa ang nararamdaman,
Mahalaga ay iyong nalaman,
Kahit na hindi mo pinakikinggan.

Kita ko ang lungkot sa iyong mga mata
Sana kahalagahan mo ay kanyang makita,
Dahil ako pinahahalagahan kita.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now