IISA LANG (Prologue)

105 0 0
                                    

Yaz feel be like

Mr.Best, isang tao lang kilala ko,
S'ya nagpadala nito, tama kaya ako,
"Best" salitang gustong gusto n'ya,
Sa salitang "better" kasi ay bitter s'ya.

Marinig o mabasa ito, s'ya ang naaalala,
Tama kaya ang aking hinala,
Bakit umaasa na naman itong puso?
Sumagi lang s'ya sa isip, puso ay lumulukso.

Sa bulaklak na ito hindi mawala aking titig,
Lalaki na hanggang ngayon ay iniibig,
Iisa lang ang Mr.Best sa aking buhay,
Lalaking inibig ko ng buo at tunay.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon