LWL

134 0 0
                                    

Mamahalin kita sa kabila ng iyong kahinaan,
Mamahalin kita sa kabila ng iyong nakaraan,
Nanaisin ko na ako ay iyong maging kalakasan,
Nanaisin ko na makasama mo sa kinabukasan.

Mamahalin kita kaya ako iyong hayaan,
Hayaan mo na ika'y aking alagaan,
Mamahalin kita hanggang s'ya iyong malimutan,
Hayaan mo ko na hilumin ang puso mong nasaktan.

Mamahalin kita sa kabila ng iyong kapintasan,
Handa akong mahalin ka ng lubusan,
Mamahalin kita ng walang pag-alinlangan,
Mamahalin kita ng walang hanggan.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now