HETO NA NAMAN

827 21 0
                                    

Yaz feel be like

Paano ko ba natutunan?
Ang maging ayos kahit 'di naman,
Paano ko ba nakaya na harapin s'ya?
Kahit na gusto na magtago dahil sa hiya.

Kelan lang kami ay nagkasagutan,
Sa mga sinabi n'ya ay nasaktan,
Sa mga mata n'ya hindi makatingin ng diretso,
Sa nakikita at naririnig nasasaktan ulit ang puso.

Marahil s'ya nga ang tipo n'ya,
Kapag kasama ito tila s'ya'y masaya,
Hindi tulad namin na nag-aaway,
Panggulo lang ako sa tahimik n'yang buhay.

Pinapakita na yata sa akin na mas bagay sila,
Magkasundo rin naman ang mga pamilya nila,
Sa nangyayari lumiliit na ang pag-asa ko,
Wala na yatang pag-asa na magustuhan n'ya rin ako.

Hanggang sa ako ay kanyang kinausap,
Napatingin ako sa aking harap,
Puso ko muli n'yang pinapakabog,
Samantalang si Maxrill sa tabi ko ay nagdadabog.

Heto na naman s'ya pinapaisip ako sa kanyang pinapakita,
Heto na naman s'ya pinapakilig ako sa kanyang salita,
Heto na naman ako ang pag-asa ay muling nabubuhay,
Heto na naman ako magsisimula na namang maghintay.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon