IKA'Y LAMAN NG PUSO

2.1K 41 0
                                    

Maxrill feel be like

May pag-asa pa ba,
Na damdamin mo ay mag-iba?
Na ako ay maaring maging higit pa sa kaibigan,
Mga sinasabi ko sana ay iyong pakinggan.

Halatang pilit mong nilalakipan,
Upang takot mo ay iyong pagtakpan,
Mga biro mo ay halata ko,
Ayaw mo lang masaktan ako.

Gusto mong makipagligawan,
Pero wala s'yang balak na ika'y ligawan,
Kaya sabi ko, ako'y iyo nang sagutin,
Malalaman mo ano ang magiging reaksyon n'ya sa atin.

Hindi ako nagbibiro at ako'y seryoso,
Kung alam mo lang ika'y laman ng puso,
Sana'y bigyan mo ko ng pag-asa,
Pangako, hindi kita hahayaang mag-isa.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon