GANON NAMAN YATA

744 15 0
                                    

Yaz feel be like

Bakit daw ako ganoon?
Masaya nasa mga gano'n,
Simpleng bati lamang iyon,
Sobrang saya ko na no'n.

Gano'n naman yata talaga,
Pag nagmamahal minsan nagiging tanga,
Umaasa na paggising mo isang umaga,
Na ikaw ay mahal na rin n'ya.

Gano'n naman yata kapag nagmamahal,
Humihiling tayo ng katugon na pagmamahal,
Kahit na iinip ka na, naghihintay ka pa rin ng matagal,
Kasi kahit ano gawin mo sa isipan mo 'di basta matanggal.

Gano'n naman yata, basta may kinalaman sa kanya,
Kahit pa na ako ay sungitan  n'ya
Abot abot pa rin ang saya,
Dahil siguro mahal ko s'ya.


Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon