IISA

979 8 0
                                    

Yaz feel be like

Inabala ko ang aking sarili,
Hindi naging madali,
Naiisip ko s'ya, kahit sandali.

Ang hindi s'ya hanapin aking kinaya,
Kahit na miss na miss ko na s'ya,
Umaasa na iniisip din n'ya.

Heto nagpapakalasing,
Upang ako ay gumising,
Nangangarap s'ya'y kapiling.

Akala namamalikmata,
Sa aking harap s'ya'y nakikita,
Hindi ako dinadaya ng aking mga mata.

Kaming dalawa ay nag-usap,
Nagkaaminan at nagyakap,
Natupad ang aking pangarap.

Sana nga hindi ito panaginip,
May gumugulo sa aking isip,
May agam-agam na sumisilip.

Nanamnamin ang pagmamahal n'ya,
Susulitin na nayayakap ko s'ya,
Ang magbago s'ya hindi ko kaya.

Sa wakas mahal na namin ang isa't isa,
Hindi na ko tanga pang umaasa,
Dahil tinitibok ng aming mga puso ay iisa.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon