IKAW

148 2 0
                                    

Yaz feel be like

Solusyon nga ba ang paglayo,
Hindi ba dapat mag-usap tayo,
Ano nga ba ko para sa 'yo?

Oo, ako ay nangako,
Pakinggan muna sana ako,
Bago iparamdam na ika'y susuko.

Inaamin na ako ay 'di perpekto,
Napakalamig ng iyong pagtrato,
Ano tapusin na ba natin ito?

Gusto mo na ba magtapos,
Nauunahan ka ng selos,
Nais ko kausapin ka ng maayos.

Isa na kong kandilang nauupos,
Tila lakas ko ay malapit na maubos,
Nangungulila sa iyong yakap at haplos.

Alam ko na ika'y nagseselos,
Bakit tila ika'y padalos dalos,
Tapusin na natin ng maayos.

Ikaw ang aking inaalala,
Naghihintay ako pero walang napapala,
Napapadalas na nga aking pagkakatulala.

Ikaw ang dahilan ng aking lakas at sigla,
Nangangamba ngayon nasa akin, ika'y mawala,
Tatalikod at aalis ka na lang bigla.

Walang matinong simula,
Sa akin patuloy ka lang maghihinala,
Kahit ikaw ang pinipili ko sa kanila.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiDove le storie prendono vita. Scoprilo ora