DAHIL ALAM KO

1K 17 0
                                    

Maxrill feel be like

Nagkusa itong nararamdaman ko para sa kanya,
Masama bang mangarap na sana mapansin n'ya,
Hindi ko makakayang iwasan s'ya.

Araw ko ay nabubuo kapag nakikita s'ya,
Pagod ko napapawi ng mga ngiti n'ya,
Nararamdaman ko may pag-asa pa kaya?

Hindi kasalanan itong aking nadarama,
Nangangarap ako na sana s'ya ay makasama,
Sana lang pagbigyan upang malayang maipadama.

Sa aking nararamdaman ay wala namang masama,
Ang mahalin s'ya para sa akin ay tama,
Basta alam ko masaya kapag s'ya'y nakakasama.

Ano naman kung malayo ang agwat namin?
Inaasahan ko na ang iisipin ng ilan sa amin,
Ano magagawa kung s'ya ang sinisigaw nitong damdamin?

Itong nararamdaman ay akin nang inaamin,
Saglit na makasama s'ya ay akin nang nanamnamin,
Dahil alam ko na may magbabago sa pagitan namin.

Baka hindi na n'ya ko magawang kausapin,
Hindi ko man lang s'ya magagawang yakapin,
Baka hindi na rin n'ya ko isipin.

Isipin ko pa lang parang hindi ko kakayanin,
Gusto ko lang naman ako ay pansinin,
Sinasabi ko sana ay kanyang seryosohin.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon