OO NGA PALA

826 13 0
                                    

Yaz feel be like

Oo nga pala, wala nga palang tayo,
Ano nga ba ang tulad ko para sa 'yo?
Kapatid nga lang pala ko,
Ng kaibigan ng kapatid mo.

Oo nga pala, wala nga palang tayo,
Pero nagtitiyaga pa rin sa ugali mo,
Nasasaktan nang dahil sa 'yo,
Tinatanong ang sarili ba't pa ko nandito.

Oo nga pala, wala nga palang tayo,
Pero nandito sumusuporta pa rin sa 'yo,
Kahit na presensiya ko ay binabalewala mo,
Tinatanggap ang sakit dahil ika'y mahal ko.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now