MAXRILL WON DEL VALLE

223 7 0
                                    

Lalaking lihim na humanga,
Sa isang magandang dalaga,
Noon tinatawag pa n'yang ate,
Ngayon iginagalang na babae.

Babae na ang gusto ay kuya n'ya,
Subalit ang madalas nitong kasama ay s'ya,
Nadaramang matagal kinikimkim,
Hindi na kinaya pang ilihim.

Lumalim ang pagka gustong nadarama,
Hinihiling na sana s'ya ang nais nitong kasama,
Nagsimula sa simpleng paghanga naging pagmamahal,
Isang lalaking umaasam na sana s'ya ang minamahal.

Nadaramang sakit ay hindi na kinaya,
Umamin na ito ay mahal na n'ya,
Humihiling magbago pa ito ng isip at damdamin,
Labi nito ay nagawa n'yang angkinin.

Maxrill Won Del Valle ang kanyang pangalan,
Nadarama sa kasintahan ng kapatid ay'di napigilan,
Sa saglit na pagtugon nito, patuloy na aasa na ba s'ya?
Magkakalamat na ba ang samahan nila ng kanyang kuya?

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon