MAGHIHINTAY

1.7K 31 0
                                    

Maxrill feel be like

Ako ay nandito pa rin,
Naghihintay mabalingan mo nang tingin,
Gumagawa ng paraan para iyong kausapin.

Nananatiling bata pa rin ako sa iyong paningin,
Hindi na malaman anong nararapat pang gawin,
Upang atensyon mo magawa kong pukawin.

Ako mananatili pa rin dito,
Maghihintay na mapansin mo,
Hindi pumapasok sa isip ko ang sumuko.

Kahit parang kapatid lang ako para sa 'yo,
Nandito pa rin ako at hindi basta lalayo,
Maghihintay na damdamin mo ay magbago.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiOnde as histórias ganham vida. Descobre agora