UMAASA PA RIN

836 19 0
                                    

Yaz feel be like

May karapatan ba kong magtampo,
Oo nga pala wala namang tayo?
Hindi ko pa alam kung ano ko sa 'yo.

Pagtatampo nga pala ay naaayon,
Kung ano ang relasyon,
Kaso tayo meron bang ganon.

Palagi mo ko pinagbabawalan,
Madalas mo rin akong pigilan,
Magulo ka rin kahit kelan.

Kaya pa bang habaan ang pasensya,
Lalo na kapag nakikitang kasama mo s'ya,
Alam ko naman na gusto rin n'ya.

Iyong gusto kitang ipagdamot,
Kulang na lang ako ay manabunot,
Wala lang magawa kundi ang sumimangot.

Kaya sa tuwing ako ay nag-iisa,
Mga pangyayari ay aking iniisa isa,
Umaasa pa rin na tayo pa rin para sa isa't isa.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon