'DI AKO

1.3K 15 5
                                    

Yaz feel be like

Bakit ako laging ganito?
Lalo na kapag nagkakagusto,
Nahihirapan akong kalimutan ito.

Pangarap na mapansin n'ya,
Nakakasama ko na s'ya,
Hindi ko ramdam aking importansya.

Pinagbigyan lang ba n'ya ang aking pantasya?
Isa lamang ba kong panandaliang ligaya,
Na kapag kailangan ay hahanapin n'ya?

Nagising na ko sa ilusyon ko,
Ramdam ko na pagod na pala ako,
At kailangan ko na rin sumuko.

'Di ako ang magugustuhan n'ya,
'Di ako ang magpapasaya sa kanya,
'Di ako ang bibigyan n'ya ng importansya.

'Di ako ang maipagmamalaki n'ya,
'Di ako ang makakatulong sa kanya,
'Di ako ang magbibigay sa kanya ng saya.

Sinampal ko na ang sarili ko,
Para tuluyan nang 'di umasa at sumuko,
Dahil ang kukumpleto sa kanya marahil ay 'di nga ako.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon