HINDI PA BA

929 20 0
                                    

Yaz feel be like

Ako ba ay matatauhan,
Na iba pala iyong nagugustuhan?
Solusyon ko ba ang paglayo,
Dahil malabo naman maging tayo.

Ako ay nagkamali,
Sa pagtitiwala muli,
Hindi pa ba ko natuto,
Lagi na lang ba kong ganito.

Nasa akin ba ang problema,
Ano ang mali ko para maitama?
Sa aking sarili ay dismayado,
Sa pag-ibig lagi akong dehado.

Hindi pa ba ko gising,
Nawala ka nasa aking piling,
Natapos na ang magandang panaginip,
Mga nangyari sa atin sumasagi pa rin sa isip.

Gaano katagal kaya kita makakalimutan?
Kelan maghihilom ang puso kong nasugatan?
Kung sakaling magkita ulit tayo,
Sana makaya ko nang ngumiti sa 'yo.



Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now