PAGOD NA KO

780 13 0
                                    

Yaz feel be like

Naging malakas ang loob ko,
Kaya nagtanong na kung ano nga ba ako?
Bakit ang sagot kailangan pag-isipan pa n'ya,
Malinaw na wala kong importansya.

Matagal na nang huli akong malasing,
Ito na rin siguro ang tumulong upang ako'y magising,
Sa pagiging assumera at pagkakaroon ng mukhang makapal,
Sa sarili ko, ako na mismong nagkalakas loob na sumampal.

Sumampal ng katotohanan na wala talaga,
Na matagal na kong isang dakilang tanga,
Tanga na hindi pa rin nagbabago,
Tanga na laging naiiwan at nabibigo.

Nagising na ko sa katangahan ko,
Tanga na umaasa na uunahin din ako
Tanga na naghihintay sa wala,
Tanga na may maling pag-aakala.

Pagod na ko sa pagiging tanga,
Gusto ko maramdaman ang pagpapahalaga,
Pagod na ko hulaan ang sitwasyon namin,
Pagod na ko alamin ang tunay n'yang damdamin.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now