DALANGIN

771 15 0
                                    

Maxwell feel be like

Dumating ka sa aking buhay,
Buong atensyon sa akin ibinigay,
Sinusunod aking mga gusto,
Sa pagsuporta ay 'di humihinto.

Nadarama hinihiling na masuklian,
Aminado na ika'y aking nagugustuhan,
Nais ding matawag kang "akin",
Sana ako patuloy mong unawain.

Napapangiti tuwing gigising,
Lalo na kapag ikaw ay kapiling,
Sana saya ay walang katapusan,
'Wag mo lang ako mahalin ng lubusan.

Hindi sigurado baka ikaw ay masaktan,
'Di ko kakayanin kung sakaling kamuhian,
Namnamin ang bawat araw na magkasama tayo,
Dalangin na sa atin walang makapaglalayo.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now