MATATAPOS NA NGA BA?

128 0 0
                                    

Yaz feel be like

Nasaktan ko na naman s'ya,
Ako kaya pakikinggan pa ba n'ya,
S'ya na ang una sa akin lumalayo,
Nandito ako umiiyak at nakatayo.

Bakit ba lagi na lang ganito,
Kelan ba ito hihinto?
Hindi ko naman nais maglihim sa kanya,
Natatakot ako agad sa kung anong sasabihin n'ya.

Ramdam ko ang kanyang pagdistansya,
Basta na lang ako ay nilayuan n'ya,
Ako rin naman ay nasasaktan,
Tao rin ako, baka kanyang nalilimutan.

Puso ko ilang beses na nga ba naging sugatan,
Hindi lang naman s'ya ang nasasaktan,
Sana naman ako pakinggan pa n'ya,
Gustung-gusto kong kausapin s'ya.

Nagsisimula naming relasyon,
Matatapos na nga ba ngayon,
Nararamdaman ko ay totoo,
Mahal ko s'ya ng buong buo.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now