LALO NA

102 1 0
                                    

Yaz feel be like

Masama ba humiling ng atensyon,
Sa aking karelasyon?
Kahit kaunting oras lamang n'ya,
Kontento na makasama ko lang s'ya.

Masama bang hilingin 'yon,
Mula noon hanggang ngayon,
Ganito nakakarelasyon ko,
Parang ang  hirap na unahin naman ako.

Ang tanging alam ay nasasaktan sila,
Sa akin ano ba ang tingin nila?
Kahit kaunti lamang sana paliwanag,
Ako ay mapapanatag.

Wala ba kong karapatan,
Karapatan na masaktan,
Sa akin mali ang tingin nila,
Hindi ako malakas nagkakamali sila.

Malapit na kong sumuko ulit,
Sarili ko ay hindi ko na ipipilit,
Hindi ginusto na saktan s'ya,
Ang masaktan s'ya ay 'di ko sinasadya.

Hindi ko hiniling na gustuhin nila,
Iisa lang ang mahal ko sa kanila,
Hindi ko ginusto na pag-agawan,
Lalo na kung mahal ko ang s'yang sa akin mang-iiwan.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz