Chapter 29

104 0 0
                                    

Yaz feel be like

Sa ospital pumasok na ulit ako,
Kaya naman s'ya hinanap ko,
Kung kami na raw ba, tanong nila,
Sumagot ako ng oo sa kanila.

Sabi nila nasa office s'ya,
Kasama n'ya si Keziah,
Minamasahe lang s'ya nito,
Hindi yata pansin na ako ay nandito.

Lumabas naman si Keziah,
Kaya naman kinausap ko na s'ya,
Kinausap na n'ya ako,
Panay din ang pagsosorry ko.

Sarili ko pilit ko inabala,
Kahit na ako ay nag-aaalala,
Ipinadadala ko s'ya ng pagkain,
Nagpasya ako na s'ya'y suyuin.

Pagkatapos ng aking trabaho,
S'ya ay pinuntahan ko,
Pinayuhan ko na magpahinga s'ya,
Hinatid ko s'ya sa penthouse n'ya.

Matapos ko s'yang ipagluto,
Hinila at niyakap n'ya ko,
Hindi raw n'ya ko matiis kahit nasasaktan s'ya,
Masaktan na raw s'ya, 'wag lang ang kapatid n'ya.

Naiinis na talaga ako,
Parang uulitin ko naman ang nagawa ko,
Umalis na ko don at iniwan s'ya,
Heto ako ulit nag-aalala sa kanya.

Isa pa itong si Maxrill,
Hindi pa rin natigil,
Tinanong kung ayos na kami ng kuya n'ya,
Umaaktong yayakapin ako, si Doc Caleb na kita s'ya.

Magkasama na naman sila ni Keziah ng aking datnan,
Ako na lang magmamasahe sa kanya, ayaw n'ya naman,
Ang pagyakap sa kin ni Maxrill ay nalaman n'ya,
Mistake ulit yon sabi ko sa kanya.

Hindi n'ya pa ko kayang patawarin,
Dugtong n'ya s'ya ay pagod na rin,
Mayroon pa raw s'yang trabaho,
Nag-aalangan s'ya na yakapin ako.

Kahit pagod ipinagluto ko pa rin s'ya,
Hinanap ko s'ya, nandon s'ya sa cafeteria,
Pati kasamahan n'yang doktor ay nandon,
Si Keziah katabi pa rin n'ya ngayon.

Bakit ang kamay nito nasa hita n'ya,
Tinanong ko kumain na ba s'ya,
Pasimple akong napahiya sa kanyang sagot,
Ang dala kong dessert ay si Keziah ang nag-abot.

Ibinalik ko sa basket ang lahat ng aking dala,
Matapos ay nakayukong nagpaalam sa kanila,
Naglalakad ako na naka yuko,
Hindi ko napansin mayroon akong nabunggo.

Si Maxrill ay inalalayan ako,
Nagprisinta na ihahatid n'ya ko,
Sabi ko ay tumigil na s'ya,
Naluluha ako sa sinagot n'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now