DUMATING NA BA

141 0 0
                                    

Yaz feel be like

Paulit ulit na pipiliin ko s'ya,
Ang tanong ako rin kaya pipiliin n'ya,
Nagmamahal lang naman ako,
Ngayon ano na gagawin ko?

Naluluha ko s'yang tiningnan,
Parang alam ko na kahihinatnan,
Nasasaktan ako sa aking nakikita,
Walang ekspresyon ang kanyang mga mata.

Dumating na ba ang tinatakutan ko,
Na baka iwan n'ya rin ako,
Hindi nga naman ako nababagay sa tulad n'ya,
Marami nga naman nagkakagusto sa kanya.

Nalaman na nila ang aking itinatago,
Ramdam ko ang pagbabago ng pakikitungo,
Nakakaramdam ako ng matinding hiya,
Sa mismong harap ng kanyang pamilya.

Hindi alam kung paano pa ko magsisimula,
Kung sa buhay ko tuluyan s'yang nawala,
Nagmamahal lang naman ako ulit,
Kapalaran ba sa akin ay may galit.

Dumating na ba ang araw,
Na sa kanya kailangan ko ng bumitaw,
Dumating na ba ang oras ng pagsuko,
At maiwan na naman ako.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon