BAKIT AKO?

940 18 0
                                    

Yaz feel be like

Nawawala ang ngiti sa mga labi,
Kapag naririnig ko ang kanyang sinasabi,
Pilit ko kinakaila ang mga naririnig,
Pilit ko pinapasigla ang sariling tinig.

Habang tumatagal ay nagiging bukas na s'ya,
Sinasabi ng diretso ay nararamdaman n'ya,
Hindi ko na kayang pigilan ang kanyang pagbabago,
'Di maikakaila na silang tatlo ay magkakadugo.

Sa mga ikinikilos nila ikaw ay mabibigla,
Iyon na yata ang pinakatalento nila,
At itong bunso nilang si Maxrill,
Mukang mahihirapan ako mapatigil.

Tinatanong sa sarili kung bakit ako?
Totoo bang gusto n'ya ko,
Mas matanda pa ko sa ate n'ya,
Gusto kong kumbinsihin ang sarili na nagbibiro lang  s'ya.

Ang daming babae na mas babagay sa kanya,
Baka sa akin ay natutuwa lamang s'ya,
Sana nga s'ya ay agad na huminto,
Dahil kung hindi mahihirapan ako nito.


Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiDove le storie prendono vita. Scoprilo ora