GUSTO KONG SUKLI

940 26 0
                                    

Yaz feel be like

Sa isipan ko ay maraming gumugulo,
Sana lang nga ay nagkakamali ako,
Na mali kung anumang kutob ko.

Natatakot ako na masaktan mo,
Dahil itinuring na kitang mundo,
Baka mahirapan akong tumayo.

'Di ko alam kung ano kulang sa akin,
Kung ako ba ay sumusobra na rin,
Kaya sa huli ako ay naiiwan din.

Sumusunod sa lahat ng iyong sasabihin,
Lahat ay handa ko naman intindihin,
Ang gusto kong sukli ay iyo ring mahalin.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon