PAKIRAMDAM KO

803 17 0
                                    

Yaz feel be like

Ipinanganak yata kong ganito,
Ibang klase kung magkagusto,
Hindi basta basta sumusuko,
Kahit na inaaway na n'ya ko.

Iba rin ako magmahal,
Maghihintay pa rin kahit matagal,
Siguro dahil s'ya ay sobrang bagal,
O sa amin ay mayroong sagabal?

Sa aming samahan may nagbago,
Hindi na malamig kanyang pakikitungo,
Pakiramdam ko ay gusto na rin n'ya ko,
Nagbunga na rin ang 'di ko pagsuko.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon