TINGIN KO

112 0 0
                                    

Yaz feel be like

Naghahanap ng mananatili,
Kahit na ganito aking pag uugali,
Tahimik lang ako noon,
Nagbago na ko ngayon.

Walang mga kaibigan,
Ako ay kanilang pinagtutulungan,
Hindi malaman ano mali sa akin,
Para ako ay kanilang gantuhin.

Hindi ako nagpaapekto,
May dahilan kung bakit nangyayari ito,
Umibig ako at nasaktan sa huli,
Batid ko ang sariling pagkakamali.

Sa piling n'ya ay lumayo,
Pinilit ang sarili na tumayo,
Hanggang makilala ko s'ya,
At ako ay unti-unting binago n'ya.

Nagkaroon ako ng goal sa buhay,
Ang paligid ko ay naging makulay,
Kahit ako ay kanyang sinusungitan,
Hindi ko s'ya basta sinukuan.

Matagal na rin akong naghihintay,
Sa taong mamahalin ako ng tunay,
Tanggap ang mga kapuna puna sa akin,
Kahit 'di ako perpekto ay mamahalin.

Lalaking handang kilalanin ako,
Lalaking hindi ako basta isusuko,
Tingin ko ay natagpuan ko na s'ya,
Lahat gagawin ko alang-alang sa kanya.

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon