Season 1 |1|#TheBreak-Up

231K 3.7K 1.5K
                                    




Kendrick's POV


"Kendrick naman eh, pati ba naman ang humalik hindi ka marunong?"

"Ka-kasi..."

"Kaya ako pa lang ang nagiging girlfriend mo kasi wala kang kwenta!"

Ang sakit.

Alam ko namang wala akong kwenta eh, kailangan pa bang ipagdikdikan sa akin yon?

"Jesse..." tawag ko sa kanya.

Nandito kasi kami sa kwarto niya, nakahiga. Wala kasi ang parents niya dahil nag out-of-town kaya pinapunta niya ako dito kahit late na. May sasabihin daw kasi siyang importante sa akin. Hindi ko naman alam na ito ang gagawin namin.

Don't get me wrong. Hindi ako bakla. Syempre gusto ko din naman 'to. Lahat naman ng lalaki sa mundo gusto nito. Pero hindi ko kaya...Kabanas para tuloy akong bading na nakahiga dito katabi si Jesse. Nakakainis!

"Shut up. Ayoko na sayo, buti pa si Leo marunong humalik at hindi tumatanggi sa ..."

Bigla na lang nandilim ang paningin ko. Ewan ko ba nung marinig ko ang pangalan ng hayup kong bestfriend na binaggit ng girlfriend ko, bigla na lang kumulo yung dugo ko.

Hindi naman maikakaila na hamak namang mas gwapo at mas may dating sa akin si Leo e. Bestfriend ko siya since bata pa lang kami at nakatira sa probinsya. Pero langhiya naman, alam ng lahat na simula ng dumating si Leo dito sa Maynila naging babaero na siya pero pati ba naman ang girlfriend ko gagaguhin niya?

"Tangna naman Jesse! Ano yun, ginagago niyo ba ako ni Leo pag nakatalikod ako?"

Alam ko naman yung sagot sa tanong ko eh. Alam kong oo. Hindi naman ako manhid at bulag para hindi mapansin na sa tuwing wala ako, sila lagi ang magkasama at pag nandyan naman ako hindi nila ako kayang titigan sa mata at halatang kabado sila. Hindi din naman ako bingi para hindi ko marinig yung mga chismosang mga kaklase namin na pinaguusapan sila.

Gago at tanga lang talaga ako at nakuha kong tiisin si Jesse. Ano ba naman ang magagawa ko kung mahal ko talaga siya? At isa pa, siya lang ang sumagot sa torpe at jologs na katulad ko, kaya ayaw ko siyang pakawalan kahit na alam kong laro lang ito sa kanya.

"Oo bakit? Masama ba yon, ha? Masakit bang marinig na gusto ko yang bestfriend mo? Masakit bang marinig na mas magaling siya sa'yo?"

"Pe-pero..."

Bakit ba ako nauutal? Bakit ba kasi kailangan ako pa yung niloloko? Bakit ako pa yung kinakaliwa? Nakakabanas! Siya lang ang taong minahal ko ng ganito, tapos ginago pa ako. Pati ang pag- aaral ko minsan napapabayaan ko na para lang masunod ang bawat hiling niya tapos ito lang ang gagawin niya sa akin? Ipagpapalit ako basta basta pagkatapos ng dalawang buwan na naging kami tapos sa matalik ko pang kaibigan?

Tumayo siya at isinuot yung blouse niyang hinubad niya kanina.

"Alam mo kung bakit mas magaling si Leo sa'yo?"

"Please...Please Jesse...wag mo nang sabihin sa akin yan..."

"Ken, kailangan mo itong marinig..."

"Ayoko. Jesse, ayusin natin ito. Pinapatawad na kita kung may namagitan sa inyong dalawa ni Leo. Basta wag ka lang mawala sa akin." pagmamakaawa ko.

Alam kong para na akong bakla dito na nagmamakaawa sa babaeng mahal ko pero hindi ko kayang marinig yung sasabihin niya sa akin...hindi ko kayang mawala siya sa akin...

"No,Ken. You need to hear this, para namang mabuhusan ka dyan ng malamig na tubig at malaman ang totoo. Alam mo kaya hindi kita magawang mahalin? Because you will never be like Leo. Siya gwapo, mayaman, magaling humalik at higit sa lahat hindi ako tinatanggihan pag nag alok akong gawin namin ito."

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon