Season 2 | V | >>#AngUnggoyAtAngAso

48K 637 601
                                    

A/N

Sana ayos lang kayo at walang nangyari sa inyo dahil sa bagyo :)

Breather chapter ulit! :D

Warning: Pasintabi sa mga taong ayaw nang mura. Madami po dito nun, sorry ^^v peace! Lab yu! :*

 Please tweet your reactions with a  #FHBGFAG or yung bagong hashtag na #BGFAG  para mabasa ko hahaa <3 salamat!

walang kinalaman ang music pero one of my favorite 'to gusto ko lang i-share sa inyo <3 

 ~~~~

Season 2 |V| >> #AngUnggoyAtAngAso

Justin’s POV

 

“Kamusta na pala yang sugat mo sa mukha?”

Lumapit siya sa akin at agad na inilagay ang malambot niyang palad sa mukha ko. Gusto ko mang higitin ang kamay niya, pinigilan ko ang sarili ko.

Alam kong iniiba niya ang usapan. Fck. Anong nakita niya sa baklang yun na wala ako? Halata namang mas gwapo ako, at mas maganda ang katawan. At lalong lalo na mas magaling din sa kama? Hindi pa ba sapat na ebidensya ang sangkatutak na mga babaeng naghahabol sa akin? P-uta ano nakita niya?

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Matagal na akong may gusto sa kanya at ang tagal-tagal ko na rin siyang  sinusuyo pero ang naabot ko lang ay i-ilang date at i-ilang halik. Pero bakit naunahan pa din ako ng  isang bakla?

Alam ko. Hindi ako tanga. Alam kong may nangyayari sa kanila sa loob ng kubo na yan. T-angna, Bakit mas pinipili niya pa ang isang katulad ni Gabriel kaysa sa akin?

Tsk. Ang labo.

“Okay lang,” malamig kong sabi. Hindi ko maiwasang hindi maiinis sa inaasal niya. P-uta, alam kong mali na makaramdam nang pagkagalit sa nag-iisang babaeng handa akong magseryoso. Pero fcksht! Nakakalalaki na!

Nakakuyom na ang mga kamao ko, at malapit na din akong pumutok sa galit. Bakit niya ba iniiba ang usapan? Masaya? Alam kong hindi siya ganoon kasaya kasama yang p-utang bakla na ‘yon.

 

“Ano ba kasing nangyari ang nagsuntukan kayo ni Kendrick?”

Agad akong nagpalabas nang mabigat na hininga at inalis na din sa pagkakakuyom ang mga kamao ko, na hanggang ngayon may mga sugat pa din galing sa pagsusuntukan namin kagabi ng g-ago kong kaibigan.

“That guy is an ass,”

“Hmph. I know. Nag-iba nga si Ken,” Naabutan niya na ako sa paglalakad at kumapit sa akin. Awtomatiko ko namang inakbayan siya at hinalikan sa noo. Buti na lang at wala siya kagabi. Hindi niya nakita ang isang pangit na side sa pagkatao ko.

Kahit ano pa mang galit ko sa kanya dahil mas pinipili niya pa ang iba at hindi ako,  hindi ko pa din maipagkakaila sa sarili ko na minsan sa buhay ko naging lokong loko ako sa babaeng ‘to. Kung sana naging ganito na lang kasimple ang mga pangyayari. Kung sana ako na lang lagi ang kasama niya sa tuwing gumigising sa umaga at kung sana, siya na lang ulit ang natatanging babaeng iniisip ko oras-oras.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon