Season 1 |36|>>#ILoveTheWayYouLie

89.4K 862 126
                                    

A/N

Music- I love the way you lie- Rihanna :) (Inspiration for this chappie)

Picture- Leo Adrian Mendoza

>>>>

Jesse's POV

"Come on labs, nasaan ka na ba?"

Nakakainis! Kanina ko pa siya tinatanong kung nasaang lupalop siya ng Brent nakatambay pero hanggang ngayon, hindi niya pa din sa akin sinasabi! Alam ko naman free period niya ngayon , kabisado ko kaya schedule niya, kaya bakit ngayon niya lang ako nagawang sagutin?

"Nandito lang ako labs, wag ka na mag-alala," Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabila ng linya. Naiinis na ba siya sa kakulitan ko?

"Hindi naman sa ganun labs, ang tagal na kasi nating hindi nagkikita namiss lang kita,"

"Labs naman, kaninang umaga lang tayo nagkita. Na miss mo agad ako?"

"Syempre naman. Malayo ka lang sa akin ng saglit namimiss na agad kita,"

Naglakad na ako papunta sa meeting place namin ng mga kaibigan ko. Free period ko ngayon so I decided to hang out muna with Leo but since ayaw niya sabihin kung nasaan siya, kila Alodia muna ako sasama.

See, napag- usapan namin na sa mga benches sa labas ng SC kami magkikita to drink our frappe since free period namin. Anyway yung course ko naman kasi na photography is just a walk in the park, since I'm the best in that field so pwedeng kahit magskip pa ako ng isang subject if ever matagal ang bonding time namin.

Malapit na ako sa QuadriPark at nasa may botanical garden nang may nakita akong dalawang taong nakaupo sa isa sa mga cottage dun.

Leo with another girl.

The girl is sitting on his lap, straddling him and kissing his jaw. Hindi ko alam kung anong gagawin. Para akong na glue sa kinatatayuan ko at huminto bigla ang lahat sa paligid ko.

Hindi nila ako nakikita kasi malayo pa ako sa kanila pero sigurado ako si Leo ang nakikita kong may kasamang babae sa botanical garden.

I know, may pakiramdam na ako dating niloloko niya lang ako at nambabae pag nakatalikod ako pero... lagi kong tinatanggal ang ideya na 'yun sa isip ko kasi ang paniniwala ko ay si kuya Justin lang ang may sikmurang manloko ng babae.

Pero ngayon, sa nakikita ko... parang... parang mali ako.

"Jesse? Hello? Nandyan ka pa ba labs?"

Bakit ganun? Nag aalala ang boses niya sa phone? Bakit hindi halata sa boses niya na nasasarapan siya sa ginagawa ng babae niya?

Ang galing niyang umarte. Ang galing niyang magsinungaling.

"Leo..."Bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya at hindi ko alam kung bakit hindi pa din siya tumitigil sa ginagawa nila.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nakatayo lang ako at pinapanood sila at hindi tumatakbo papalayo at umiiyak na parang kawawa.

Naging manhid na ba ako?

"Labs? Anong nangyari sa iyo?"

Huminga ako ng ilang beses. Kahit anong gawin ko...kahit anong sabihin ko hindi ko pa din magawang magalit sa kanya.

Jesse, kaya mo 'to. Mahal mo si Leo. Walang magbabago dun. Wala...

"Leo? Nasaan ka ngayon?"

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon